
Ipina-a-assess ni Senator Sherwin Gatchalian ang mga pasilidad sa mga paliparan upang maiwasan ang nangyaring power outages kamakailan.
Giit ni Gatchalian, ang pagkawala ng kuryente sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay nagdulot ng delay sa flights at malaking abala sa mga pasahero.
Pinatitiyak ng senador sa Department of Transportation (DOTr) at sa Manila International Airport Authority (MIAA) na ang ganitong power interruptions ay maiiwasan.
Mahalaga aniyang ma-assess nang mabuti ang power installations sa airport para malaman ang operability nito lalo ngayon na tumataas ang demand sa kunsumo ng kuryente dahil sa pagpasok ng panahon ng summer.
Dapat matiyak na mayroong back up palagi na power supply sa mga paliparan upang hindi maapektuhan ang operasyon sa mga airport.