Pananamantala ng CPP-NPA sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa, ikinadismaya ng pamahalaan

Ikinalungkot ni National Security Adviser Eduardo Año ang umano’y pagsasamantala ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front o CPP-NPA-NDF sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa upang isulong ang kanilang agenda ng destabilisasyon at karahasan.

Ayon kay Año na siya ring Vice-Chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC, layunin ng mga rebeldeng grupo na pahinain ang demokrasya ng bansa at ipilit ang isang komunistang pamamahala.

Tiniyak ni Año na nananatiling matatag ang pamahalan sa paglilingkod sa bayan at sa paglaban sa insurgency.


Kasunod nito, hinimok ni Año ang publiko na magkaisa sa paglaban sa mga banta ng insurhensiya upang makamit ang isang mas maunlad at mapayapang Pilipinas.

Facebook Comments