Mga pasyente, sinasagot ang 34 hanggang 44% ng kanilang hospital expenses ayon sa PhilHealth

Inihayag ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na naglalabas pa rin ng malaking mahalaga ang mga Pilipino para sa kanilang pagpapa-ospital.

Batay sa datos na nakakalap ng (PhilHealth) noong 2019, lumalabas na sa kada pisong inilalaan para sa hospital expenses, nasa 34 percent o 34 centavos ang galing sa bulsa ng isang regular na pasyente.

Mayroon ding kaparehas na pag-aaral na isinagawa ang Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan nasa 44.7% naman ang out-of-pocket expense ng isang pasyente.


Kaya panawagan ni Senator Joel Villanueva na magamit itong mga mekanismo upang mapababa ang inilalabas na pera ng mga Pilipino tuwing sila ay naoospital gayong naaprubahan na ang expanded healthcare coverage sa ilalim ng Universal Healthcare (UHC) law.

Facebook Comments