Mga pasyenteng gumaling na sa COVID-19, pinayuhan na obserbahan kung makakaranas ng Long COVID

Pinayuhan ng isang medical expert ang mga gumaling na sa COVID-19 na obserbahan ang mga sarili lalo na kung nakakaranas ng “Long COVID.”

Ayon kay Infectious Diseases Expert Dr. Rontgene Solante, posibleng ang mga sintomas na ito gaya ng hindi nawawalang ubo, hirap huminga, memory loss at palaging pagod ang pakiramdam ay senyales ng “Long COVID” na komplikasyon ng COVID-19.

Aniya, mahalagang komunsulta sa mga doktor kapag nakakaramdam ng mga sintomas na ito para maiwasan ang komplikasyon sa puso at baga ng isang COVID survivor.


Nauna nang hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na magpabakuna na kontra COVID-19 at sundin ang minimum public health standards para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit, na kalaunan ay maaaring magkaroon ng mga komplikasyon.

Facebook Comments