iFM Cauayan, number one sa latest KBP-Kantar Radio Survey

94

Isa pang iFM station ang namayagpag sa latest KBP-Kantar Radio Survey na isinagawa nitong March 2022.

Nag-number one sa FM station rankings sa Cauayan, Isabela ang 98.5 iFM Cauayan na nakakuha ng 40.30 percent share mula sa lahat ng FM stations.

Nagpapasalamat naman si iFM Cauayan Station Manager Chris Estolas sa suporta na ibinigay ng pamunuan ng RMN Networks hanggang sa listeners sa buong lalawigan.


Bago niyan, namayagpag rin sa ratings ng kaparehong radio survey ang RMN at iFM stations sa Naga, Dagupan City, Iloilo City, General Santos City at Cagayan de Oro City.

Facebook Comments