Hindi maaaring pigilang makalabas ng ospital ang mga pasyente dahil lamang hindi makapagbayad ng kanilang hospital bills.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa batas na maaaring gumawa ng promissory note ang pasyente para sa kanilang pagbabayad ng installment.
Aniya, maaari namang hingan ng Identification Card (ID) ang pasyente para madaling matunton kapag sila ay nakalabas ng ospital, sa kabila ng hindi nabayarang hospital bills.
Maliban dito, mali rin aniyang payuhan ang mga pasyente na lumapit sa mga lending facilities para lang makabayad ng hospital bills.
Facebook Comments