Mga pasyenteng may Dengue at Leptospirosis sa San Lazaro Hospital, nadagdagan pa

Dumami pa ang mga pasyenteng may Leptospirosis at Dengue sa San Lazaro Hospital sa Maynila.

Sa pinakahuling datos, pito na ang mga pasyenteng naka-confine dahil sa Leptospirosis kung saan lima rito ay mga bata.

Siksikan na rin ang mga kwarto dahil sa pagdami ng mga pasyenteng may Dengue na umabot na sa 166.


Tiniyak naman ng ospital na handa silang tugunan ang inaasahan pang pagdami ng kaso ng Dengue at Leptospirosis lalo ngayong tag-ulan.

Facebook Comments