Mga pasyenteng may sintomas ng n-CoV ARD, hindi pwedeng tanggihan ng mga malalaking ospital – DOH

A kidney donor is wheeled to an operating room for a transplant at Johns Hopkins Hospital in Baltimore in late June.

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga ospital na hindi maaaring tanggihan ang mga pasyenteng nakikitaan ng sintomas ng novel coronavirus-acute respiratory disease.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo – kailangan tanggapin ng mga level 2 at level 3 licensed hospital ang mga ito at ilagay sa maayos na pasilidad.

Aniya, may kakayahan ang mga ito para sa isolation at treatment ng infectious diseases.


Mas magiging mataas ang banta ng infection kapag inilipat pa ang pasyente sa ibang medical facility.

Sa ngayon, nasa 31 ang persons under investigation o PUI sa Pilipinas.

Sa datos ng World Health Organization (WHO), umabot na sa 9,936 ang kaso ng n-CoV ARD sa buong mundo kung saan nasa 213 na ang namatay.

Ang virus ay kumalat na sa China at umabot na rin sa Thailand, Japan, Singapore, Hong Kong, South Korea, Taiwan, Australia, Malaysia, Macau, Germany, US, France, Vietnam, UAE, Canada, Italy, United Kingdom, Russia, India, Finland, Sweden, Sri Lanka, Cambodia, Nepal at Pilipinas.

Facebook Comments