Mga Patok na Pagkakitaan Tuwing Araw ng Mga Patay

IMAGE: WIKIMAPIA

Sasapit na naman ang undas at uulanin na naman ang mga sementeryo ng tao. Nariyan din ang mga pagkakakitaan na siyempre hindi mawawala tuwing araw ng patay pero anu-ano nga ba ang mga ito?

Ito ang ilan sa mga source of money ngayong undas.

Pagbebenta ng Bulaklak


Una, hinding-hindi mawawala ang pagbebenta ng mga bulaklak na kadalasang nagmamahal tuwing ganitong panahon o ‘di kaya ay maging candle collector. Mangongolekta ka lang ng mga tira-tirang kandila, tunawin at hulmahin. Mas maganda kung lalagyan mo ito nang disenyo. Nangolekta ka lang kumita ka na.

 

Sepulturero

Pangalawa, ang maging instant sepulturero. Siguradong marami-rami rin ang gustong magpalinis ng nitso ng kanilang mga kamag-anak. Hindi mo kailangan ng puhunan, tamang kagamitan at ready to go ka na. Just make sure na may lakas ka nang loob dahil haharapin mo ang mga kalansay.

 

Paggawa ng Halloween Decor

Pangatlo, bakit hindi mo i-try ang gumawa nang mga halloween décor? Pagbebenta ng mga halloween accesories tulad ng maskara, costumes at iba pa? Naging creative ka na, kumita ka pa. Ang mga produkto ito ay patok na patok sa lahat ng edad lalong-lalo na sa mga bata.

 

Vendor sa Sementeryo

Siyempre ang panghuli, hindi mawawala ang mga pantawid gutom at pantawid uhaw na matatagpuan sa loob ng mga sementeryo. Kailangan mo lang diskarte at tiyaga sa business na ito dahil sa maliit na ang puhuhan pero sure na malaki ang kita.

 

Oh! Ayan, may maaari ka nang pagkaabalahan sa darating na undas. Ikaw? May alam ka pa bang ibang pagkakakitaan? Bakit hindi mo pa simulan? Maging wise this coming undas.

 


Article written by Benedict John Sarong

Facebook Comments