Kaugnay ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine ideneploy na rin ng Philippine Navy ang kanilang mga patrol boats sa mga entry at exit points ng Luzon.
Ito ay para bantayan ang lahat ng mga sasakyang pandagat na patuloy na lumalayag kahit sinuspendi na ito dahil sa banta ng COVID 19.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Lieutenant Commander Maria Christina Roxas pinagana na ng Philippine Navy kasama ang Philippine Coast Guard (PCG) ang Task Group Laban COVID-19.
Sa panig ng Philippine Navy nakadeploy na ngayon ang apat nilang patrol boat, 2 rigid hull inflatable boats na minamando ng mga tauhan mula sa Naval Special Operations Group (NAVSOG).
Sinabi ni Roxas ang hakbang nilang ito ay para makatulong sa mga health workers at mga pulis na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.