INSIDENTE NG NAKAWAN SA BRGY. SAN ISIDRO, HINDI NA NAULIT PA

CAUAYAN CITY- Wala ng naitalang insidente ng nakawan ng alagang hayop sa Brgy. San Isidro, Cauayan City, Isabela.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Ambrocio Damuplas, buwan ng Pebrero pa ang pinakahuling naitalang kaso ng nakawan sa lugar kung saan naganap ito sa boundary ng Alinam at San Isidro.

Aniya, mga alagang kambing ang kadalasang ninanakaw sa kanilang barangay.


Bilang pagtugon sa problema, nagtalaga ng mahigpit na seguridad ang mga barangay tanod kung saan araw-araw at gabi-gabi silang nagroronda at nag momonitor.

Bukod dito, pinayuhan rin ang mga residente na maging maingat sa mga lugar na pagpapastulan ng kanilang mga alagang hayop.

Kaya naman ngayon ay kumpyansa ang pamunuan ng Barangay na hindi na mauulit pa ang mga nakawan sa lugar.

Facebook Comments