Tiniyak ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na limang araw na lang ang pananatili sa Metro Manila ng mga Overseas Filipino Workers na pauwi sa bansa.
Ayon kay Bello, limang araw bago dumating sa bansa ang isang OFW ay aabisuhan na nila ang concerned agencies.
Habang hinihintay ang resulta ng swab test, mananatili ang OFW sa pasilidad kung saan sisikapin ng concerned agencies na matapos ng limang araw ang test.
Sa sandaling lumabas ang resulta ay agad nang papauwiin ang mga OFW sa kanilang destinasyon.
Nilinaw rin ni Bello na hindi tinatanggihan ng mga Local Government Units (LGUs) ang stranded individuals.
Sa pamamagitan aniya nito ay wala nang magiging stranded na OFWs lalo na sa Metro Manila.
Facebook Comments