MGA PDL NG CAUAYAN CITY DISTRICT JAIL, NAKIISA SA URBAN GARDENING PROJECT NG BJMP RO2

Cauayan City, Isabela- Nakiisa ang Cauayan City District Jail sa programa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Region 2 sa pagtatanim ng mga gulay lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Ayon kay Jail Chief Inspector Bonifacio Guiterring, District Jail Warden, inisyatibo ito ng BJMP Region 2 na layong makatulong sa mga Persons Deprived of Liberty o PDL upang hindi na nila kailangan pang bumili ng mga mauulam na gulay.

Bukod dito ay para magkaroon din ng sustansya ang mga kinakain ng mga PDL at magkaroon din ang mga ito ng malusog na pangangatawan.

Unang nakipag-ugnayan si Jail Chief Inspector Guiterring sa tanggapan ng City Agriculture Office upang makahingi ng vegetable seedlings na siya namang itinanim ng mga bilanggo.

Ang mga PDL ng naturang bilangguan ay nakapagtanim ng iba’t-ibang klase ng gulay tulad ng kalabasa, kamatis, sili, pechay at talong.

Samantala, dadagdagan pa ng mga PDL ang mga itinanim na gulay kung mayroon ng bakanteng espasyo.

Facebook Comments