*Cauayan City, Isabela- *Nagtagisan ng talento sa pagluluto ang mga Person’s Deprived of Liberty (PDL) ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng Lungsod ng Cauayan sa pamamagitan ng pangunahing sangkap na “Labong” bilang pride ng Ideal City of the North.
Kasabay ito ng pagdiriwang ng Nutrition Month para sa buwan ng Hulyo.
Sa naging panayam ng 98.5 iFMCauayan kay Jail Warden Officer Gilbert Accad ng BJMP Cauayan, sa pamamagitan aniya nito ay mapapalawak pa ang talento ng mga nasabing PDL pagdating sa larangan ng pagluluto.
Inorganisa ito ng nasabing tranggapan katuwang ang Green Ladies Association ng Lungsod.
Bukod dito, nagtagisan din sa pagrampa ang ilang mga PDL suot ang kani-kanilang disenyo na gawa sa iba’t-ibang materyales gaya ng mga gulay.
Ang magwawagi naman sa nasabing kompetisyon ay tatanggap ng cash prize at trophies.
Patuloy namang hinihikayat ni Accad ang mga PDL na ipagpatuloy lang ang kanilang talento hindi lamang sa pagluluto maging sa iba pang larangan upang magsilbi nila itong hanapbuhay paglabas na sa kulungan.