Inihain ni Senator Francis Pangilinan ang Senate Resolution 444 na nagsusulong na imbestigahan ng Senado ang pagdami ng mga pekeng Facebook accounts gamit ang pagkakakilanlan ng mga estudyante, opisyal ng gobyerno, mga mamamahayag at iba pang individual.
Diin ni Pangilinan, ang ganitong gawain ay delikado sa seguridad at privacy ninuman.
Ayon kay Pangilinan, target ng imbestigasyon na matukoy ang kinakailangang amyenda sa Cybercrime Prevention Act of 2012 at para mailatag ang posibleng regulasyon sa social media platforms.
Ipinaliwanag ni Pangilinan na layunin nitong maprotektahan at maingatan ang integridad ng sistema ng komunikasyon sa bansa at mga impormasyong taglay nito para hindi magamit sa pag-abuso at sa mga iligal na gawain.
Hangad din ni Pangilinan na maungkat sa pagdinig kung ang pagdami ng dummy FB accounts ay may kinalaman sa pagkontra laban sa Anti-Terrorism Bill.