Mga pekeng sigarilyo kinumpiska sa Surigao City

Mga pekeng sigarilyo kinumpiska sa Surigao City Umabot sa 134 ream ng pekeng sigarilyo ang nakumpiska sa may Public Market sa Surigao City. Ito’y matapos isagawa ang operasyon ng City PNP nang may natanggap na sumbong na dumarami ang tinitindang pekeng sigarilyo sa labas ng palengke. Nang makita ng mga nagtitinda ang paparating na mga pulis, diumano’y kumaripas ng takbo ang mga ito at inabandona ang mga tinda. Sa ngayon, nakatakdang sampahan ng kaso sa paglabag sa Section 155 at Section 170 ng Republic Act 8293 o intellectual property code ang mga nagtitinda.

Sent from my iPhone

Facebook Comments