Kending may marijuana, nasabat sa San Pedro Laguna; Fil-am at isang estudyante, arestado

San Pedro, Laguna – Arestado ang isang Fil-Am at isang estudyante na nagbebenta ng kending may marijuana sa San Pedro, Laguna.

Sabado nang maaresto si Bobby Albert Bobcock sa bahay nito kung saan nasabat ang nasa 250-libong pisong halaga ng marijuana at mga kagamitan sa paggawa ng gelatin.

Ayon kay Laguna-PNP Sprovincial Director Sr./ Supt. Cecilio Ison Jr. – ibinebenta ito ng suspek sa mga estudyante sa halagang 100 hanggang 500 piso.


Arestado naman sa follow-up operation ang kasabwat ni Boblock na si Jan Allen Ledesma, 23-anyos na computer engineering student sa Malayan Colleges Laguna.

Ini-imbestigahan pa ng pulisya kung saan nanggagaling ang suplay ng marijuana ng mga suspek.

Nakakulong na si Boblock sa San Pedro Police Station habang sa Cabuyao City Police naman si Ledesma.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments