Mga pelikulang pasok sa MMFF, inanunsyo na!

Kumpleto na ang listahan ng walong pelikulang pasok sa 48th edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

Hulyo nang unang inanunsyo ng MMFF ang unang apat na pelikulang kasali sa film fest na kinabibilangan ng “Labyu with an Accent,” “Nanahimik ang Gabi,” “Partners in Crime,” at “My Teacher.”

Habang kahapon nang ilabas ng ang apat pang pelikulang kukumpleto sa ‘Magic 8.’


 “Deleter” (Viva Communications, Inc.) na pinagbibidahan nina Nadine Lustre, Louise Delos Reyes, McCoy De Leon, at Jeffrey Hidalgo;
 “Family Matters” (Cineko Productions, Inc.) nina Noel Trinidad, Liza Lorena, Agot Isidro, Mylene Dizon, Nonie Buencamino, JC Santos, at Nikki Valdez;
 “Mamasapano: Now It Can Be Told” (Borracho Film Production) kung saan bida sina Edu Manzano, Aljur Abrenica, Paolo Gumabao, Alan Paule, at Claudine Barretto;
 “My Father, Myself” (3:16 Media Network) nina Jake Cuenca, Dimples Romana, Sean de Guzman, at Alan Paule

Nabatid na naitala ngayong edisyon ang pinakamaraming film submissions na umabot sa 22.

Ang “Balik Saya sa MMFF 2022” ay aarangkada mula December 25 – January 7, 2023.

Isasagawa naman ang Parade of Stars sa Quezon City habang ang Gabi ng Parangal ay gaganapin sa December 27.

Facebook Comments