Mga Permanenteng Traffic Signages sa Cauayan City, Isabela, Ipinuwesto Na!

*Cauayan City, Isabela-* Nakapwesto na sa buong Lungsod ng Cauayan ang mga bagong traffic signages na gawa sa bakal.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Public Order and Safety Division (POSD) Chief Pilarito Mallillin na nakalagay na sa mga tamang lugar ang mga bagong gawang traffic signages sa Lungsod ng Cauayan.

Aniya, hindi na masisira ang mga bagong signages kumpara sa dating signages na gawa sa kahoy na sinisira lamang ng mga umano’y lasing sa daan o ilang indibidwal.


Paliwanag pa ni POSD Chief Mallillin na gagawin ng permanente ang mga inilagay na signages sa bagong lugar nito dahil naging maayos naman anya ang daloy ng trapiko dito sa lungsod sa kabila ng kanilang ipinatupad na bagong traffic scheme.

Dagdag pa ng nasabing opisyal na target nitong mailatag ang lahat ng mga bagong signages nitong kasalukuyang buwan ng Disyembre.

Facebook Comments