Manila, Philippines – Hindi pa nakakarami ang pamahalaan sa paghuli sa mga personalidad na kabilang sa arrest order na inilabas ng Department of National Defense kasunod na rin ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law sa buong Mindanao.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nasa 66 palamang ang kanilang naaaresto mula sa 400 pangalan na kabilang sa arrest order.
Sa ngayon aniya ay si dating Marawi City Mayor Fahad Salic pa rin ang pinakamataas na government official na naaresto na sangkot sa rebellion.
Sa ngayon aniya ay patuloy ang kanilang manhunt operations para maaresto ang mga natitira pang personalidad habang umiiral ang batas militar sa Mindanao.
Una nang sinabi ni Lorenzana na kailangan pa nila ng 2 linggo para kumuha ng sapat na impormasyon upang makapagrekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte kung dapat na bang bawiin o palawigin pa ang batas militar sa buong Mindanao.