Mga personalidad na kasama sa terrorist list, pwedeng mag-apply para sa delisting – DILG

Maaaring umapela ang 29 na indibidwal na idineklarang terorista ng Anti-Terrorism Council (ATC) na tanggalin ang kanilang mga pangalan sa terrorist list.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ang mga personalidad ay pwedeng mag-request ng delisting sa ATC sa loob ng 15 araw at igiit ang “mistaken identity” o “mistaken of facts” kung bakit hindi dapat sila mapasama sa listahan ng mga terorista.

Bukod dito, pwede rin silang maghain ng temporary restraining order (TRO) sa mga korte.


Pero iginiit ni Año na may mga basehan ang ATC sa pagbuo ng terrorist list.

Ang assets ng mga indibidwal na kasama sa terrorist list ay ifo-froze ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) para bigyang daan ang imbestigasyon at kasama rin sila listahan ng pinatawan ng hold departure order (HDO).

Ang mga makakasama sa listahan ay aarestuhin dahil sa paglabag sa Anti-Terrorism Act of 2020 habang ang iba ay mahaharap sa illegal possession of firearms at rebellion.

Facebook Comments