Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na hindi sapat na batayan ang terrorist list na inilabas ng Anti-Terrorism Council (ATC) para arestuhin ang mga personalidad na tinukoy rito.
Ayon kay Justice Undersecretary Adrian Ferdinand Sugay, ang paglalabas ng listahan ay para maagapan lamang at hindi na magamit ang assets ng mga personalidad na ito, sa tulong ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Aniya, maaari lamang arestuhin ang mga hinihinalang terorista kung maaktuhan ang mga ito o masampahan ng kaso na may kaugnayan sa Anti-Terror Act.
Hinala kasi ng mga otoridad, ang mga nakatala sa listahan ay tumatanggap ng pondo para magamit sa terror activities.
Facebook Comments