Mga Personalidad ng Droga sa Santiago City, Bumaling na sa Paggamit at Pagtutulak ng Marijuana!

Santiago City, Isabela – Bumaling na sa paggamit at pagtutulakĀ  ng marijuana mula sa shabu ang mga drug personalities sa lungsod ng Santiago.

Ito ang naging pahayag ni Police Chief Inspector Rolando Gatan, hepe ng Santiago City Police Station 1.

Aniya ito ngayon ang pinagtutuunan ng pansin ng kaniyang pamunuan dahil sa pagsulpot ng mga bagong suspek sa kaniyang nasasakupan.


Sinabi pa ni Police Chief Inspector Gatan na kumakalat na ngayon ang transaksyon ng marijuana dahil sa madali ang kita ng pera sa street value nito kumpara sa market value at kung ihahambing rin sa transaksyon ng shabu.

Dahil dito puspusan umano ngayon ang operasyon at pagsugpo ng PNP Santiago City sa iligal na droga.

Samatala patuloy parin umano ang kooperasyon at tulong ng mga miyembro ng Barangay Anti-Drug Abuse Council sa operasyon ng kapulisan hinggil sa kampanya laban sa droga.

Facebook Comments