Nakapagpalabas na ang Philippine National Police (PNP) ng mahigit P8 billion para sa mandated 2021 yearend bonus at cash gift sa kanilang mga personnel.
Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, nasa 222,418 PNP personnel ang mabebenipisyuhan nito.
Ang naturang halaga ay mula sa regular PNP appropriations na naka-program sa 2021 budget.
Sinabi naman ni PNP Finance Service Director Police Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr. na ang yearend bonus at cash gift ay naihulog na sa payroll accounts ng kanilang mga personnel.
Ang year-end bonus ay katumbas sa kanilang one month basic pay, habang ang cash gift ay pro-rated sa P5,000, pero subject sa mga panuntunan, alinsunod sa Fiscal Directive Number 2016-16 na “Payment of Year-End Bonus and Cash Gift for FY 2016 and Years Thereafter.”
Ang mga bonuses na lampas sa P90,000 ay taxable na para sa 15,587 PNP personnel.