*Cauayan City, Isabela- *Nag-negatibo sa droga ang mga personalidad kabilang ang mga Persons deprived of liberty o PDLs ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP Cauayan City.
Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Jail Chief Inspector Romeo Villante, ang Jail Warden ng BJMP Cauayan City, na negatibo lahat sa droga ang mga Personnels at Persons deprived of liberty o mga PDLs ng BJMP Cauayan makaraang sumailalim sa Surprise Drug Test ng PDEA.
Kaugnay nito ay nagsagawa pa ng surprise visit nitong lunes ang PDEA kasama ang iba pang mga otoridad subalit nag-negatibo parin sa droga ang buong pasilidad ng BJMP Cauayan kaya’t umaasa si Jail Chief Inspector Villante Jr. na magiging Drug Free Facility na ang kanyang pamunuan.
Nilinaw rin ni Jail Chief Inspector Villante na wala umanong katotohanan ang nakuhang droga sa pasilyo ng kanilang himpilan makaraang isagawa ang Oplan Greyhound sa buong pamunuan ng nasabing kulungan.
Samantala, Malaki naman ang pasasalamat ng nasabing opisyal dahil napagkalooban sila ng bagong sasakyan mula sa Pamahalaang Panlungsod ng Cauayan at malaking tulong umano ito sa kanilang hanay para sa kanilang mga isasagawang programa.