Mga petisyon kontra Anti-Terror Law, pinag-isa na lamang ng Korte Suprema

Pinagsama na ng Supreme Court ang apat na petitions na inihain sa Korte Suprema kontra Anti-Terrorism Act.

Kasunod ito ng ginawang En Banc session kanina ng mga mahistrado ng Korte Suprema.

Partikular na pinag-isa ang mga petisyon na inihain ng grupo ni Atty. Joseph Peter Calleja, Albay Representative Edcel Lagman, Far Eastern University (FEU) Law professors at ng Makabayan lawmakers.


Inatasan din ng Supreme Court ang respondents na magkomento sa mga petisyon.

Respondents sa petisyon sina Pangulong Rodrigo Duterte at Executive Secretary Salvador Medialdea.

Una nang hiniling sa Korte Suprema ng mga petitioners ang Writ of Preliminary Injunction at Temporary Restraining Order (TRO) sa pagpapatupad ng batas.

Nais din nilang ipadeklara sa Supreme Court na “unconstitutional” ang Anti-Terror Law at ipawalang-bisa ang Republic Act 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020.

Facebook Comments