Mga petisyon sa Korte Suprema na humahadlang sa canvassing ng boto para sa pangulo at pangalawang pangulo, hindi magtatagumpay

Kumpiyansa si Senate Minority Leader Franklin Drilon na hindi magtatagumpay ang mga petisyon sa Korte Suprema na humihiling na pigilan ang nakatakdang pag-uumpisa ng kongreso sa pag-canvass sa boto para sa pangulo at ikalawang pangulo.

Ayon kay Drilon, ito ay dahil hindi maaaring pigilan ng Korte Suprema ang kongreso na umakto bilang National Board of Canvassers (NBOC) para gampanan ang nabanggit nilang constitutonal duty.

Diin ni Drilon, hindi rin uubrang pigilan ng katas-taasahang hukuman ang tungkuling iniaatas ng konstitusyon sa mababa at mataas na kapulungan ng kongreso na magproklama ng nanalong presidente at bise presidente.


Dagdag pa nito, ang babala na magkakaroon ng constitutional crisis sakaling walang maiproklamang bagong pangulo at ikalawang pangulo sa June 30 kung kelan magtatapos na ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo.

Bukas, May 24 ay nakatakdang magsagawa ng joint session ang Senado at Kamara para mag-convene bilang NBOC na siyang magka-canvass sa boto at magpoproklama ng nagwaging pangulo at ikalawang pangulo sa katatapos na eleksyon.

Facebook Comments