Higit 50 tonelada ng campaign materials, nahakot ng Department of Public Services sa Maynila

67

Umaabot sa higit 50 tonelada ng mga campaign materials ang nahakot ng mga tauhan ng Department of Public Services (DPS) sa isinagawa nilang clearing operation sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay DPS Director Kenneth Amurao, nasa 52.6 tonelada na ng mga campaign posters at iba pang paraphernalia ang kanilang nakolekta.

Ang iba sa mga campaign materials ay isasailalim nila sa recycle upang mapakinabangan habang ang ilan ay idi-dispose na nila.


Sinabi pa ni Amurao na bukod sa nasabing clearing operation kung saan tinatanggal ang mga campaign posters na nagsisilbing “eyesore” sa Maynila ay tuloy-tuloy rin ang isinasagawa nilang cleaning at clearing operation sa lahat ng estero at kanal.

Kasama na rin dito ang ilog at dagat na sakop ng lungsod ng Maynila partikular na ngayong dumating na ang panahon ng tag-ulan.

Dagdag pa ni Amurao, nagpapasalamat siya sa City Engineering Office sa tulong ma ibinibigay sa kanilang departamento partikular ang pagbubungkal at declogging sa mga drainage at kanal sa Maynila.



Facebook Comments