Mga petisyong kumukwestyon sa legalidad ng martial law extension sa Mindanao, ibinasura

Pinagtibay ng Korte Suprema ang ikatlong pagpapalawig ng deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.

Sabi ni Supreme Court PIO Chief Brian Hosaka, nakitaan ng constitutionality ng Supreme Court (SC) ang pagpapalawig ng batas militar.

At bilang resulta ibinasura ng SC ang apat na petisyon na kumukwestyon sa pagpapahaba ng martial law sa Mindanao.


Kabilang na rito ang inihaing petisyon nina Albay Representative Edcel Lagman, Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate, Atty. Christian Monsod at Rius Valle.

Habang siyam na mahistrado naman ang pumabor sa pagpapalawig ng batas militar kabilang na si Chief Justice Lucas Bersamin at apat na mahistrado naman ang bumoto na maaprubahan ang mga petisyon laban dito.

Matatandaang nitong Enero 29 nang sumalang sa oral arguments ang mga petitioner at respondents upang ilatag ang kani-kanilang argumento ukol sa pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Facebook Comments