Mga petitioner laban sa martial law, inihahanda na ang ihahaing Motion for Reconsideration para baliktarin ang desisyon ng Korte Suprema

Manila, Philippines – Inihahanda na ng mga petitioner laban sa martial law ang ihahain nilang Motion for Reconsideration para baliktarin ang desisyon ng Korte Suprema.

Sabi ni Magdalo Rep. Gary Alejano, isa sa petitioners, mali naman kasi ang naging desisyon ng Supreme Court dahil ang kaguluhan ay nasa Marawi City lang at hindi sa buong Mindanao.

Kasabay nito inamin ni Alejano na mabigat banggain ang 11-3-1 na boto pabor sa martial law sa Mindanao.


Naniniwala naman si Bayan Secretary General Renato Reyes na isang masamang pangitain ang ginawang hakbang ng SC dahil lalo lang lalakas ang loob ng mga militar na mang-abuso.

Natatakot din si Reyes na baka umabot sa buong bansa ang deklarasyon ng martial law gayung nasa Marawi City lang naman ang gulo.

Facebook Comments