Hinimok ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) ang publiko na iwasan ang pagbili ng mga vitamins ng maramihan.
Ayon kay PHAP Chief Business Officer, Metro Drug Inc. and Trustee Jannette Jakosalem, nagkakaroon ngayon ng artificial shortage sa mga vitamins dahil sa mataas na demand.
Nagiging pahirapan din ang delivery dahil apektado ang serbisyo at biyahe ng mga eroplano.
Samantala, muling nanawagan ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga donors na mag-donate ng dugo para magamit ng mga nangangailangan lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Paliwanag ng PRC, malapit na sa critical level ang kanilang suplay ng dugo.
Tiniyak naman ng PRC na ligtas magdonate ng dugo at mahigpit din silang sumusunod sa safety protocols.
Sa mga gustong mag-donate ng dugo, maaring magtungo sa pinakamalapit na PRC chapter sa kanilang lugar.