Hati ang pananaw ng mga Pilipino hinggil sa “accuracy” o kawastuhan ng datos ng gobyerno sa bilang ng mga pasyenteng may COVID-19 sa bansa.
Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 39% ang naniniwalang ang COVID-19 tally ng bansa ay marahil higit pa sa totoo nitong numero habang 31% ang nagsabing ito ay marahil mas mababa sa totoong bilang.
Nasa 23% naman ang nagsabing tama ang COVID-19 tally ng pamahalaan.
Lumalabas din sa survey na 34% ng mga respondent ang nagsabing posibleng “over-reported” ang datos, 34% din ang nagsabing “underreported” ito at 27% ang naniniwalang tama ang tally.
Isinagawa ang survey simula September 17 hanggang 20 na nilahukan ng 1,249 na adult Filipinos sa pamamagitan ng mobile at computer-assisted telephone interviewing.