Mga Pilipino, hinikayat ni VP Robredo na magkaisa ngayong Araw ng Kalayaan

Kinilala ni Vice President Leni Robredo ang paghihirap at mga sakripisyong kinahaharap ng mga Pilipino kasabay ng ika-123 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni Robredo ang naging kahalagahan ng pagkakaisa upang ipaglaban ang kalayaan ng Pilipinas noon na dapat isabuhay sa harap ng mga hamon ngayon.

Hinikayat din ng bise presidente ang mga Pilipino na magkaisa at humugot ng lakas sa isa’t isa sa harap ng nararanasang pandemya, climate change, kahirapan, kagutuman at pang-aabuso sa ating kapwa.


Aniya, napatunayan na ng mga Pilipino na kaya nating magtagumpay basta’t nagkakaisa tayo.

Facebook Comments