Mga Pilipino, kailangang pag-aralan ang kahalagahan ng demokrasya

Manila, Philippines – Naniniwala si Ifugao Representative Teddy Baguilat na kailangan i-educate ang mga Pilipino sa totoong kahulugan ng demokrasya.

Ito ay matapos lumabas sa SWS survey na 70% ng mga Pilipino ay `satisfied` sa paraan ng demokrasya sa bansa at 60% din ang mas gusto ang demokrasya kumpara sa ibang uri ng gobyerno.

Ayon kay Baguilat, nakakapanloko at nakakalito ang resulta ng survey dahil kulang sa kaalaman pagdating sa `demokrasya` ang maraming Pilipino.


Giit ni Baguilat ang tunay na demokrasya ay may matatag na institusyon, malaya sa pakikialam ng mga dayuhan at ang mga oportunidad na pang-ekonomiya at politikal na natatamasa ng lahat at hindi lamang ng mga kakaunting elitista.

Hindi aniya batid ng mga Pilipino ang kahalagahan ng pagpapahayag ng pagkakaiba-iba, transparency at accountability ay bahagi rin ng demokrasya.

Facebook Comments