Mga Pilipino, “most disapproving” sa pandemic response ng pamahalaan sa Southeast Asia – survey

Ang mga Pilipino ang “most disapproving” sa COVID-19 pandemic response ng pamahalaan sa Southeast Asia.

Batay sa survey na isinagawa ng Singapore-base ASEAN Studies Centre, 53.7% ng mga Pilipino ang hindi pabor sa ginagawang pandemic response ng pamahalaan sa health crisis.

Nasa 20.9% ang neutral sa paksa, habang 19.4% ang aprubado ang COVID-19 response ng pamahalaan.


Mayorya ng mga Pilipino o 72.2% ang nagsabing kailangan ng mayroong mga scientists at medical doctors na kasama sa pagbuo ng policy decisions ng gobyerno.

Nasa 58.3% ang nagsabing kailangang mag-invest ang gobyerno sa early warning systems para sa pandemic outbreak.

Nasa 33.3% ang naniniwalang dapat magkaroon ng mahusay na financial relief at subsidies para sa mga apektado ng pandemya, 30.6% ang nagsabing ang mga public servants ay dapat sumunod sa public health measures.

5.6% naman ang nagsabing dapat maayos na ipinapatupad ang public health measures gaya ng social distancing at face masks.

Bukod sa Pilipinas, ang Indonesia ay nakakuha ng 50.4% disapproval kumpara sa 24.1% na approval at 25.6% neutral.

Ang Vietnam ang nakakuha ng pinakamataas na approval rating sa rehiyon na nasa 96.6% kasunod ang Brunei na nasa 93.9% at Singapore 92.4%.

Facebook Comments