Tatlong lalaki sa Makati, arestado dahil sa pagsusugal at droga

25

Hindi na pumalag ang tatalong lalaking huli sa aktong nagsasagawa ng ilegal na sugal na cara y cruz Sgt. Fabian Yabut Street, Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City pasado alas-11:20 kagabi.

Nakilala ang mga suspek na sina Adrian Ongsueco Raphael, 30-anyos; Robin Mercado Espiritu, 20-anyos; at Argie Ducot Ladema, 44-anyos.


Maliban sa mga pera na ginamit sa pagsusugal na nakuha ng mga pulis sa mga suspek, nakuhanan din sila ng 37 grams ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P2,516.

Batay sa ulat ng Makati PNP, habang nagsasagawa sila ng Oplan Galugad sa nasabing lugar, may isang concerned citizen umano ang lumapit sa kanila upang isumbok ang ginagawang ilegal na sugal, kaya naman dalidaling rumesponde ang mga pulis.

Nakakulong na ang mga suspek sa Makati PNP custodial facility at nahaharap sila sa kasong illegal gambling at Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments