Mga Pilipino na ayaw o walang tiwala sa COVID-19 vaccine, marami pa rin

36% ng mga Pilipino ang ayaw pa rin magpabakuna laban sa COVID-19 habang 16% naman ang hindi pa makapagpasya kung magpapabakuna o hindi.

69% naman sa mga Pilipino ang duda na ligtas ang COVID-19 vaccine. 12% ang hindi kumbinsido na ito ay epektibo at 11% ang nagsabing hindi kailangan ang bakuna para labanan ang COVID-19.

Ang nabanggit na impormasyon ay base sa Pulse Asia Survey na kinomisyon ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri nitong Hunyo.


Dahil dito ay hiniling ni Zubiri sa implementors ng vaccination program na bilis-bilisan at dagdagan ang bakunahan lalo na sa mga probinsya.

Diin ni Zubiri, tanging bakuna lang sa ngayon ang susi sa pagbangong muli ng ekonomiya, pagbabalik ng trabaho, at kalusugan ng ating mga kababayan kaya dapat mabakunahan ang bawat Pilipino.

Facebook Comments