Mga Pilipino, nagiging second-class citizen na dahil sa pagpabor ng pamahalaan sa China – Rep. Gary Alejano

442

Iginiit ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano na hindi na maganda ang ibinubunga ng pagpabor ng gobyerno sa China lalo na ang pagtawag sa Pilipinas bilang Province of China.

Ang reaksyon na ito ay kasunod ng pagsaboy ng isang Chinese fashion student ng taho sa pulis na rumesponde lamang sa MRT-3 Boni station matapos balewalain ang paninita ng security personnel dahil sa dala nitong pagkain.

Ayon kay Alejano, nagiging second-class citizen na lang ang mga Pinoy dahil sa pambabastos ng mga Tsino sa sarili nating bansa.

Hindi lamang aniya mga mangingisda at sundalo sa West Philippine Sea ang nabubully ngayon ng mga dayuhan kundi maging ang mga pulis ay hindi na iginagalang.

Hindi na rin aniya dapat magtaka sa pagtrato ng mga Tsino sa mga Pilipino dahil mas napapaburan ang mga ito kumpara sa sariling mamamayan.

Facebook Comments