Seguridad para sa pagsisimula ng campaign period bukas para sa midterm election, kasado na

80

Handang-handa na ang Philippine National Police sa pagbibigay ng mas mahigpit na seguridad para sa pagsisimula bukas ng campaign period kaugnay sa gaganaping Midterm Election sa May 13, 2019.

Ito ang tiniyak ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde kasabay ng mas mahigpit na pakikipag-ugnayan sa Commission on Election at Armed Forces of the Philippines.

Nakalatag na aniya ang deployment ng mga pulis para masigurong magiging payapa ang buong panahon ng pangangampanya.

Siniguro rin ni Albayalde na palagi nyang pinapaalalahanan ang mga miyembro ng PNP na manatiling non-partisan at huwag pumanig sa kung kanino mang kandidato.

Babala ni Albayalde masisibak sa pwesto ang sinumang commander na kikiling sa sinumang kandidato para sa midterm election.

Facebook Comments