Mga Pilipino, pangatlo sa nabibiktima ng hate crimes sa Amerika; Malakanyang, umapelang tigilan na ito

Ipinanawagan ng gobyerno na tigilan na ang pagpapakita ng galit at karahasan sa mga Asians sa Amerika.

Kasunod ito ng pagtaas pa ng bilang ng mga Pilipinong nagiging biktima ng karahasan sa nasabing bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, pumangatlo ang mga Pilipino sa mga lahing nagiging biktima ng hate crimes sa Estados Unidos.


Base ito sa ulat ng non-profit organization na Stop AAPI Hate na nangangalap ng datos ukol sa pag-atake sa mga Asian Americans at Pacific Islanders sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Pinakamaraming nabibiktima ng Asian hate crimes ang mga Chinese (43.5%), sinundan ng mga Koreano (16.8%), Pilipino (9.1%), Japanese (8.6%) at Vietnamese (8.2%).

Facebook Comments