Mga Pilipino, pinakamatagal na nakababad sa social media

Nangunguna ang mga Pilipino sa may pinakamahabang oras na nakababad sa social media.

Batay sa pag-aaral ng online marketplace na OnBuy.com, tinatayang nasa higit 102,000 hours o katumbas ng higit 11 taon ang ginugugol ng mga Pinoy sa social media.

Mahabang panahon ito kung ikukonsidera sa life expectancy ng mga Pilipino na may average na 72 years.


Sinasabi ng mga eksperto na mayroong social media addiction ang isang tao kung mas mahaba ang oras ng ginugugol nito sa social media kaysa sa ibang makabuluhang gawain.

Hindi naman masama ang social media ngunit dapat balansehin ang pagtutok dito.

Maaaring gamitin ang social media para sa komunikasyon at pagkuha ng impormasyon pero hindi na ito nagiging maganda lalo na kung ang nais lamang ng user ay maging popular at naghahangad ng maraming likes, shares at comments.

Payo ng mga eksperto na kailangang maghanap ng ibang aktibidad at gawain na kapaki-pakinabang sa loob o labas ng bahay.

Dapat ding magtakda ng oras na mag-“unplug” at magkaroon ng tahimik na sandali para sa sarili.

Facebook Comments