Pumalo na sa 9,165 ang mga Pilipino sa abroad na nagpositibo sa COVID-19.
Ito ay matapos maitala ngayong araw ang 20 na bagong mga kaso mula sa 69 na mga bansa at rehiyon.
Nasa 3,149 ang patuloy na ginagamot sa mga ospital, habang nanatili sa 5,369 ang mga nakarekober na sa nakakahawang sakit.
Dalawa naman ang nadagdag sa mga nasawi na mayroon ng kabuuang 647.
Facebook Comments