Mga Pilipino sa ibang bansa na nagpositibo sa COVID-19, umakyat pa sa 2,178

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Pilipino sa ibang bansa na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 2,178 na ang mga Pilipinong may kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa iba’t-ibang bansa.

Sa nasabing bilang, 640 ang naka-rekober na mula sa sakit habang 1,285 naman ang patuloy na nagpapagaling sa mga ospital.


Samantala, pumalo na sa 253 ang mga Pinoy na nasawi sa ibang bansa dahil sa virus.

Facebook Comments