Mga Pilipinong apektado ng krisis sa Sri Lanka, bibigyan ng $300 na ayuda ng pamahalaan

Makatatanggap ang mga Pilipino sa Sri Lanka ng financial aid mula sa pamahalaan dahil sa matinding na economic crisis na nararanasan doon.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola, ang mga Pilipino sa Sri Lanka ay makatatanggap ng $300 at aalukin din ng “free repatriation flights.”

Dagdag pa ni Arriola na bagama’t nahihirapan ang maraming Pilipino sa inflation na nangyayari sa Sri Lanka, ay wala namang napaulat na may nadamay sa kaguluhan.


Nabatid na nasa halos 500 Pilipino ang nananatili sa naturang bansa.

Samantala, magpapadala naman ng response team ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Sri Lanka sa Hunyo 2 upang tingnan ang sitwasyon ng mga Pilipinong nakatira roon.

Facebook Comments