Filipino pole vaulter EJ Obiena, kampeon sa Italy!

65

Nasungkit ni Filipino pole vaulter EJ Obiena ang ikalawang gintong medalya nito ngayon buwan ng Mayo.

Nagtapos si Obiena sa kaniyang 5.58 meter performance dahilan para maghari ito sa European City of Sports sa L’Aquila, Italy.

Bahagyang mababa lamang ito ng 0.08 meters sa kanyang personal best na 5.93 meters sa Innsbruck, Austria kung saan siya ring ang kasalukuyang may hawak ng Asian record.


Matatandaang nito lamang Mayo ay nasungkit din ni Obiena ang gintong medalya sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Facebook Comments