Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) na hindi na kailangang tumira sa bahay ng kanilang mga amo ang Filipino household workers sa Saudi Arabia.
Ito ay matapos na maglabas ng guidelines ang DMW para sa job order for residential support workers.
Ayon kay DMW Usec. Felicitas Bay, bunga nito, maaari nang mamasukan sa iba’t ibang bahay sa Saudi ang Pinoy household workers.
Hindi na rin sila obligado na mag-alaga ng anak ng kanilang amo at tanging gagawin lamang nila ay maglinis ng bahay.
Nilinaw rin ni USec. Bay na ang recruiters ng mga Pinoy household worker ang siyang sasagot sa lodging ng mga ito.
Sa ilalim din ng panuntunan, ang Pinoy household worker ay makatatanggap ng buwanang sweldo na 1,800 Saudi Riyal o ₱27,790.65 sa unang walong oras.
Makatatanggap din sila ng karagdagang 500 Saudi Riyal o mahigit ₱7,000 sa kanilang overtime pay.