Sen. Hontiveros, pinatutukoy sa BI ang personalidad na tumulong kay Atty. Harry Roque na makatakas ng bansa

Ipinamamadali ni Senator Risa Hontiveros sa Bureau of Immigration (BI) ang pagtukoy sa kung sino ang tumulong kay Atty. Harry Roque na makatakas ng bansa.

Ayon kay Hontiveros, umaasa siya na ang BI pati na ang iba pang law enforcers ay matutukoy sa lalong madaling panahon ang indibidwal na tumulong kay Roque makalabas ng bansa na hindi man lang nate-trace.

Hinala ng mambabatas, posibleng mga taga-POGO rin ang tumulong kay Roque dahil ang Dubai na tinungo nito ay isang POGO hub.


Iginiit din ng senadora na opisyal nang banned ang mga POGO sa bansa kaya dapat ay hindi na ito makaimpluwensya sa pamahalaan.

Sa kabilang banda, marami ring dapat na ipaliwanag ang BI tulad sa pagtakas ni Guo Hua Ping papuntang Indonesia dahil hanggang sa ngayon, wala pa ring sagot dito.

Facebook Comments