Mga Pilipinong inilikas sa Gaza, hindi pa maaaring i-repatriate – OWWA

Nailikas na ang mga Pilipinong nasa Gaza Strip sa harap ng isinasagawang air strikes ng Israel.

Bukod sa Gaza, may mga Pilipinong nasagip sa mga kalapit na siyudad ng Ashkelon at Ashdod.

Pero ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac na hindi pa maaaring i-repatriate ang mga Pilipino doon.


Aniya, matindi pa ang mga inilulunsad na air strikes at may mga operasyong ikinakasa ang mga ground troops kaya mananatili muna sa ligtas na lugar ang mga Pilipino.

May mga rapid rescue team na naka-monitor sa sitwasyon.

Sa ngayon, wala pang naiuulat na Pilipinong nasaktan sa nagpapatuloy na gulo sa Israel.

Facebook Comments