Mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea, planong armasan

331

Pinag-aarlan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na armasan ang mga mangingisda sa West Philippine Sea para gawing maritime Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU).

Sinabi ito ni 802nd Brigade Commander Brigadier General Zosimo Oliveros sa kanyang pagharap sa Commission on Appointments.

Ayon kay Oliveros, tinitingnan nila kung paano io-organisa ng Philippine Navy ang maritime CAFGU at kung paano ito mapopondohan.

Ipinaliwanag ni Oliveros na malaki ang maitutulong ng maritime CAFGU sa pagbabantay sa ating malawak na karagatan.

Samantala, bukod kay Oliveros, pinagtibay rin ng Commission on Appointments ang promosyon ni Oliveros at ng 29 pang matataas na opisyal ng AFP.

Facebook Comments