Mga Pilipinong nasa Libya, nananatiling ligtas sa gitna ng civil war

Nananatiling ligtas ang mga Pinoy sa Libya sa kabila ng nararanasang civil war doon.

Ayon kay Ambassador Elmer Cato, nasa pito lang mula sa 1,000 manggagawang Pinoy sa Libya ang humiling ng tulong para sa voluntary repatriation.

Umapela naman si Cato sa iba pang manggagawang Pinoy sa Libya na lumikas na sa lalong madaling panahon at humingi ng tulong sa gobyerno.


Sabi naman ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr., patuloy ang kanilang monitoring sa sitwasyon sa Libya.

Matatandaang itinaas sa alert level three ng DFA ang alerto sa Libya dahil na rin sa mga karanasan doon.

Facebook Comments